2024 Pangkalahatang Halalan sa California
- Ang mga balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo ay dapat naka-postmark sa o bago ng Araw ng Eleksyon at natanggap pagsapit ng Nobyembre 12, 2024.
- Patuloy na binibilang ang mga balota pagkatapos ng Araw ng Eleksyon sa panahon ng opisyal na canvass period.
- Dapat makumpleto ng mga opisyal ng halalan ng county ang pinal na mga opisyal na resulta sa Disyembre 5, 2024.
- Sesertipikahin ng Kalihim ng Estado ang mga resulta sa Disyembre 13, 2024.
Salamat sa iyong interes na maging botane ng California!
Bilang isang botante, ang iyong tulong ay nagpapasiya kung sino ang mamumuno sa atin. Ipinaririnig mo ang iyong boses sa mahahalagang isyu na nakakaapekto sa hinaharap ng ating estado at bansa. Tuwing ginagamit mo ang iyong mahalagang karapatang bumoto, ang ating demokrasya ay lumalakas.
Madaling lumahok sa mga halalan kapag mayroon kang mga kasangkapan at impormasyon! Ito man ang iyong kauna-unahang pagboto o ikaw ay isa nang makaranasang botante na lumipat at kailangan lamang na muling magparehistro para makaboto, ang Pagboto sa California ay magbibigay sa iyo ng lahat ng kailangan mo upang makapagsimula.
Dito, maaari kang mag-aplay upang magparehistro para makaboto o kumpletuhin ang isang maililimbag na aplikasyon para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, hanapin ang iyong lugar ng botohan at alamin kung ano ang dapat asahan sa Araw ng Halalan. Maaari ka ring magrepaso ng iyong mga karapatan at responsibilidad bilang isang botante, maghanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan tungkol sa mga halalan at pagboto, at makakuha ng impormasyon tungkol sa mga isyu sa susunod na pambuong-estadong balotang halalan.
Upang mag-aplay para makaboto sa pamamagitan ng koreo, piliin ang “Saan at Paano Boboto.” Kung gusto mong bumoto sa iyong lokal na lugar ng botohan, ang pahina ring iyon ang magsasabi sa iyo kung ano ang dapat dalhin kapag boboto sa unang pagkakataon.
Ang Kalihim ng Estado ay nag-aalay ng impormasyon at tulong sa botante sa Ingles at siyam pang wika. Piliin ang Espanyol, Tsino, Hindi, Hapon, Khmer, Koreano, Tagalog, Thai o Biyetnamis o piliin ang isang wika na nasa kaliwang panig ng pahinang ito.
Para sa tulong sa botante sa iyong wika, tawagan ang isa sa walang-bayad na Mga Nakahandang Linya ng Botante.
Edukasyon at Pakikipag-ugnayan sa Botante
Gustong ikalat ang salita tungkol sa pagboto? Bisitahin ang Edukasyon at Pakikipag-ugnayan sa Botante (Voter Education and Outreach) upang malaman kung paano masasamahan si Kalihim Padilla at ang maraming empleyado, di-nagtutubong organisasyon at edukador sa buong estado na nagtatrabaho upang pabutihin ang paglahok ng botante sa California.