Magparehistro para Makaboto

 

Upang magsimula, lagyan ng tsek ang mga iniaatas para makaboto upang malaman kung ikaw ay maaaring magparehistro para makaboto sa California.

Ang mga Taga-California ay dapat magparehistro para makaboto 15 araw o higit bago ang Araw ng Halalan. Para sa petsang ito at ibang mga huling-araw na kaugnay ng halalan, pumunta sa Mga Petsa at Tagatulong sa Halalan.

Pagkatapos mong magparehistro, maaari kang bumoto sa lahat ng pang-estado at lokal na halalan. Hindi mo na kakailanganing muling magparehistro para makaboto maliban kung lumipat ka sa ibang tirahan, pinalitan ang iyong pangalan o pinalitan ang iyong kinakatigang partidong pampulitika.

Paano ka magpaparehistro para makaboto bago lumampas ang huling-araw?

Upang makatanggap ng aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante sa pamamagitan ng koreo mula sa Kalihim ng Estado, tawagan ang walang-bayad na nakahandang linya para sa batante sa (800) 339-2957

Paano ko ipapakilala ang sarili kapag nagpaparehistro para makaboto?

Ang aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante ay humihingi ng iyong numero ng lisensiya sa pagmamaneho o kard ng pagkakakilanlan sa California, o magagamit mo ang huling apat na numero ng iyong kard ng Social Security. Kung wala kang lisensiya sa pagmamaneho, kard ng pagkakakilanlan ng California o kard ng Social Security, maaari mong iwang blangko ang espasyong iyon. Ang opisyal sa mga halalan ng iyong county ay magtatalaga sa iyo ng isang numero na gagamitin upang makilala ka bilang isang botante.

Sino ang maaaring magparehistro at makaboto pagkaraan ng huling-araw?

Ang batas ng estado ay nagpapahintulot sa ilang tao na magparehistro at makaboto kahit hindi sila magiging karapat-dapat hanggang pagkaraan ng huling-araw ng pagpaparehistro ng botante.

  • Mga bagong mamamayan

Kung ikaw ay magiging mamamayan ng U.S. nang kulang sa 15 araw bago ang susunod na halalan, magagawa mo pa ring magparehistro at makaboto. Upang magawa ito, dapat mong bisitahin ang opisina sa mga halalan ng iyong county kahit kailan bago magsara ang mga lugar ng botohan sa Araw ng Halalan. Dapat kang magdala ng katunayan na ikaw ay isang mamamayan ng U.S. at pirmahan ang isang pormang nagsasabi ng ikaw ay karapat-dapat bumoto sa California.

Makipag-ugnayan sa opisina sa mga halalan ng iyong county para sa karagdagang impormasyon.

  • Mga bagong resident ng estado

Kung natugunan mo ang lahat ng ibang mga iniaatas para makaboto sa California pero naging isang residente ng California nang kulang sa 15 araw bago ang susunod na halalan, magagawa mo pa ring magparehistro at makaboto. Upang magawa ito, dapat mong bisitahin ang opisina sa mga halalan ng iyong county pitong araw o higit bago ang Araw ng Halalan. Ikaw ay aatasan na pumirma sa isang panunumpang nagsasabi na ikaw ay karapat-dapat bumoto sa California at hindi pa nakaboto sa kaparehong halalan sa alinmang ibang estado. Saka maaari ka lamang bumoto para sa Presidente at Bise Presidente.

Makipag-ugnayan sa opisina sa mga halalan ng iyong county para sa karagdagang impormasyon.

Check My Voter Status