Magparehistro upang Bumoto

Upang mapadalhan ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, kailangang rehistradong botante ka. Kung naniniwala kang rehistrado ka na, maaari mong i-verify ang iyong pagkakarehistro online gamit ang aming “Status ng Pagkabotante Ko” na tool.

Upang mapadalhan ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, kailangang rehistradong botante ka. Kung naniniwala kang rehistrado ka na, maaari mong i-verify ang iyong pagkakarehistro online gamit ang aming “Status ng Pagkabotante Ko” na tool.

Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

Sa halip na magpunta sa mga presinto sa Araw ng Halalan, maaari kang bumoto gamit ang balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo na ipadadala sa iyo.

Matapos mong makaboto, ipasok ang iyong balota sa inilaang sobre, at tiyakin na makukumpleto mo ang lahat ng hinihinging impormasyon sa sobre.

Maaari mong ibalik ang iyong nabotohang balota sa pamamagitan ng

  1. pagpapadala nito sa koreo sa inyong opisyal ng halalan ng county
    • Ang mga balota ng botohan na ipinadala sa koreo ay dapat na mai-post sa o bago ang Araw ng Halalan at matanggap ng tanggapan ng halalan ng iyong lalawigan nang hindi lalampas sa 3 araw pagkatapos ng Araw ng Halalan.  
    • Kung hindi ka nakatitiyak na makararating sa oras ang iyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, dalhin ito sa alinmang presinto ng estado sa pagitan ng 7:00 a.m. at 8:00 p.m sa Araw ng Halalan.
  2. pagbabalik nito nang personal sa isang presinto o sa opisina ng inyong opisyal sa halalan ng county;
    • Ang mga balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo na personal na inihatid ay dapat ihatid nang hindi lumalampas sa pagsasara ng botohan sa 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan.
  3. paghuhulog ng iyong balota sa isa sa mga drop box ng balota ng inyong county; o
    • Ang mga balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo na personal na inihatid sa isang drop-off location ng balota ay dapat ihatid nang hindi lumalampas ang pagsasara ng botohan sa 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan.
  4. pag-aawtorisa sa ibang tao na ibalik ang balota para sa iyo.
    • Pwedeng isauli ng kahit na sino ang iyong balota para sa iyo, hangga't hindi sila binabayaran sa bawat balota. Upang mabilang ang iyong balota, kailangan mong punan ang seksyon ng awtorisasyon na matatagpuan sa labas ng sobre ng iyong balota.

Kapag natanggap ng inyong opisyal sa halalan ng county ang iyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, ikukumpara ang iyong lagda sa sobreng ibinalik sa lagda na nasa iyong registration card upang matiyak na magkapareho ang mga ito. Upang mapanatili ang pagiging lihim ng iyong balota, ihihiwalay ang balota sa sobre, at ita-tally ito.

Lahat ng balidong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo ay bibilangin sa bawat halalan sa California, anuman ang maging resulta o dikit ng anumang labanan. Para sa dagdag na impormasyon kung paano at kailan bineberipika at binibilang ang mga balota, pakibisita ang aming deskripsyon kung paano nakukumpleto ang opisyal bilangan ng boto.

Bubuto ng Unang Beses

Noong nagparehistro ka para bumoto, hiniling sa iyo na ibigay mo ang iyong numero ng driver license, California identification number, o ang huling apat na numero ng iyong Social Security number. Kung ikaw ay unang beses na botante at hindi mo ibinigay ang impormasyong ito noong magparehistro ka, at plano mong:

Bumoto sa pamamagitan ng koreo: bago bumoto sa iyong balota, magpadala ng kopya ng iyong personal na ID sa inyong opisyal ng halalan sa county.  Kung humihiling ka ng balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo gamit ang Aplikasyon sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaari kang magpadala ng kopya ng iyong personal na ID kasama ng aplikasyon mo.  Kung hindi mo ito gagawin bago ang pagboto, kokontakin ka ng inyong opisyal ng halalan sa county sa mismong pagkatanggap ng iyong nabotohang balota upang humiling ng kinakailangang patunay sa pagkakakilanlan. Dapat magbigay ka ng tinatanggap na uri ng ID sa inyong opisyal sa halalan ng county bago nila mabubuksan ang iyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo. Kung hindi maberipika ang iyong pagkakakilanlan, ang iyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo ay hindi bubuksan at hindi rin bibilangin. 

Bumoto ng personal: bago tanggapin ang iyong balota sa iyong presinto, maaaring hingin sa iyo ang tinatanggap na uri ng ID.

Ang mga halimbawa ng tinatanggap na uri ng personal ID ay ang sumusunod: isang kopya ng pinakahuling utility bill, ang Gabay na Impormasyon para sa Botante na natanggap mo mula sa inyong opisina ng halalan sa county o ibang dokumento na ipinadala sa iyo ng isang ahensya ng gobyerno, California identification card, o student identification card.  Para sa higit pang impormasyon tungkol sa uri ng ID na gagamitin kapag bumoto ka sa unang beses, muling tingnan ang kumpletong listahan ng tinatanggap na mga uri ng ID (PDF), tawagan ang toll-free voter hotline ng Secretary of State sa (800) 339-2957, o kontakin ang inyong opisyal ng halalan sa county

Status ng iyong Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

Iniaatasan ng California Elections Code section 3017(c) ang mga opisyal sa halalan ng county na magtatag ng mga pamamaraan upang subaybayan at kumpirmahin ang pagkakatanggap ng mga nabotohang balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo at gawing available ang impormasyong ito sa pamamagitan ng online na sistema ng pag-akses gamit ang web site ng dibisyon ng halalan ng county o sa pamamagitan ng toll-free na numero ng telepono.

Maaari mo ring tingnan ang status ng iyong balota sa pamamagitan ng pagbisita sa “My Voter Status.”

Nasaan Ang Balota Ko

Nag-aalok na ang California Secretary of State ng Nasaan ang Balota Ko?—isang bagong paraan para masubaybayan at makatanggap ang mga botante ng mga notipikasyon sa status ng kanilang balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo. Ang Where’s My Ballot?, na pinagagana ang BallotTrax, ay nagpapahintulot sa mga botante na malaman kung nasaan na ang kanilang balota, at ang status nito, sa bawat hakbang ng daan.

Ang isang botanteng nag-sign up ay makakatanggap ng mga abiso sa pamamagitan ng email, text, o voice message mula sa opisyal sa halalan ng county kaugnay ng status ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo ng botante kabilang ang:

  • • Kapag naihatid na ang balota
  • • Ang petsa kung kailan inaasahang maihahatid sa botante ang kanyang balota
  • • Kung ibinalik ng USPS ang balota ng botante sa opisyal sa halalan ng county dahil hindi maihatid
  • • Kapag ang nakumpletong balota ng botante ay natanggap na ng county
  • • Kung tinanggap man ang nakumpletong balota ng botante o isang dahilan kung bakit hindi matanggap ang balota at mga tagubilin sa mga hakbang na pwedeng gawin ng botante upang matanggap ang balota
  • • Ang huling araw para ibalik ng botante ang kanyang balota kung hindi natanggap ng county ang nakumpletong balota ng botante bago ang mga takdang petsa ayon sa tinukoy ng opisyal sa halalan ng county

Mag-sign-up sa WheresMyBallot.sos.ca.gov upang makatanggap ng awtomatikong notipikasyon sa email, SMS (text), o voice call tungkol sa inyong balota.

Available ang Where'sMyBallot? sa bawat county sa California.

Pagboto ng Militar at Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ng Nasa Ibang Bansa

Bilang botanteng militar o nasa ibang bansa, upang matanggap ang iyong mga gamit para sa halalan at bumoto kapag wala ka sa iyong bansa habang naglilingkod at/o naninirahan sa ibang bansa, kailangan mong mag-apply para sa balota sa pagboto sa pamamagitan ng balota at kumpletuhin ang online na aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante o kumpletuhin ang Federal Post Card Application (FPCA). Ang FPCA ay available mula sa Federal Voting Assistance Program.

Para sa dagdag na impormasyon, pakibisita ang aming seksyon para sa Military and Overseas Voting Information.

Mag-apply sa Pamamagitan ng Koreo

Maaari mong gamitin ang aplikasyong naka-print sa gabay na impormasyon para sa botante na ipinadadala sa iyo ng inyong opisyal sa halalan ng county bago ang bawat halalan. Maaari mo ring bisitahin o sulatan ang inyong opisyal sa halalan ng county para humingi ng aplikasyon o maaari mong gamitin ang Aplikasyon para Bumoto sa Pamamagitan ng Koreo sa California (PDF).

Matapos basahin ang mga tagubilin, i-type ang iyong impormasyon nang direkta sa aplikasyon, tapos i-print, lagdaan, at petsahan ang aplikasyon. Ipadala ang nakumpletong aplikasyon sa inyong opisyal sa halalan ng county. Mangyaring huwag itong ipadala sa opisina ng Secretary of State dahil maaantala nito ang pagkakatanggap ng iyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Anumang oras makalipas ang 7 araw bago ang Araw ng Halalan, kakailanganin mong mag-apply nang personal sa inyong opisina ng halalan ng county upang humiling ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo para sa halalang iyon.

Mag-apply sa Pamamagitan ng Telepono

Makipag-ugnayan sa inyong opisyal sa halalan ng county upang malaman kung pinahihintulutan ka ng inyong county na mag-apply sa pamamagitan ng telepono

Nawala Ang Iyong Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo/Kailangan ng Kapalit?

Mag-apply ng pangalawang balota

Kung hindi mo natanggap ang iyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng halalan o kapag naiwala o nasira mo ang orihinal mong balota, makipag-ugnayan sa inyong opisyal sa halalan ng county upang mapadalhan ng pangalawang balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Nahuling Aplikasyon para sa Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

Kung hindi mo natanggap ang iyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo o naiwala o nasira mo ang iyong orihinal na balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, lumampas na ang panahon para humiling ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, at hindi mo kayang bumoto nang personal sa presinto, maaari kang sumulat para mag-apply para sa nahuling balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo. Kailangang personal mong ibibigay o ng iyong kinatawan ang aplikasyong ito sa opisyal sa halalan ng county. (Elec. Code, § 3021.)

Kapag namarkahan mo na ang iyong balota, napunan at nalagdaan ang sobre, maaari mo ng isumite ang iyong balota nang personal o idaan sa iyong awtorisadong kinatawan, sa inyong opisyal sa halalan o sa alinmang presinto sa loob ng inyong hurisdiksyon.

Form ng Aplikasyon para sa Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa California (PDF)