Saan at Paano Boboto



Ang mga nakarehistrong botante sa California ay maaaring bumoto nang personal sa kanilang mga lokal na lugar ng botohan o bumoto sa pamamagitan ng koreo.

Paano ka makakakuha ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo?

Upang humiling ng isang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ikaw ay maaaring:

Kung ipinasiya mong bumoto sa pamamagitan ng koreo, ang iyong kahilingan para sa isang balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay dapat dumating sa inyong opisina sa mga halalan ng county nang hindi lalampas ang 7 araw bago ang Araw ng Halalan.

Dapat mong ibalik ang iyong kinumpletong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo upang makarating ito sa inyong opisina sa mga halalan ng county bago magsara ang mga lugar ng botohan sa ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan. Kung hindi ka nagtitiwala na ang iyong binotohang balota ay darating sa oras kung ipapakoreo ito, maaari mong dalhin ang nakasarang sobre sa alinmang lugar ng botohan sa inyong county o sa inyong opisina sa mga halalan ng county sa pagitan ng ika-7 ng umaga at ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan.

Paano mo mahahanap ang iyong lokal na lugar ng botohan?

Ang direksiyon ng iyong lokal na lugar ng botohan ay mahahanap sa likod ng librito ng halimbawang balota na matatanggap mo mula sa inyong opisina sa mga halalan ng county. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa inyong opisina sa mga halalan ng county o maaari mong tawagan ang walang-bayad na Linya ng Botante ng Sekretaryo ng Estado sa (800) 339-2957.

Kakailanganin mo ba na magdala ng pagkakakilanlan?

Sa karamihan ng mga kaso, ang mga botante sa California ay hindi inaatasan na ipakita ang pagkakakilanlan bago nila ipatala ang kanilang mga balota.

Gayunman, kung ikaw ay boboto sa unang pagkakataon pagkatapos magparehistro sa pamamagitan ng koreo at hindi ibinigay ang numero ng iyong lisensiya sa pagmamaneho, numero ng pagkakakilanlan sa California, o ang huling apat na bilang ng iyong numero ng social security sa porma ng pagpaparehistro, maaaring hingin sa iyo na ipakita ang isang anyo ng pagkakakilanlan kapag pumunta ka sa presinto.

Sa gayong pagkakataon, tiyakin na magdala ka ng pagkakakilanlan sa lugar ng botohan o isama ang isang kopya nito sa iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo. Ang isang kopya ng huling singil sa utilidad, librito ng halimbawang balota na natanggap mo mula sa inyong opisina sa mga halalan ng county o ibang dokumentong ipinadala sa iyo ng isang ahensiya ng pamahalaan ay mga halimbawa ng mga tinatanggap na anyo ng pagkakakilanlan. Sa ibang mga tinatanggap na anyo ng pagkakakilanlan ay kabilang ang iyong pasaporte, lisensiya sa pagmamaneho, opisyal na kard ng pagkakakilanlan sa estado, o kard ng pagkakakilanlan ng estudyante na nagpapakita ng iyong pangalan at litrato.

Para sa mga sagot sa iyong mga tanong tungkol sa pagboto, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga tinatanggap na anyo ng pagkakakilanlan ng botante na magagamit sa isang lugar ng botohan kapag boboto sa unang pagkakataon, tawagan ang walang-bayad na Linya ng Botante ng Sekretaryo ng Estado sa (800) 339-2957.

Paano kung ang iyong pangalan ay wala sa listahan sa lugar ng botohan?

Kung ang iyong pangalan ay wala sa listahan ng botante sa iyong lugar ng botohan, may karapatan kang bumoto ng isang pansamantalang balota, na ibibilang pagkatapos makumpirma ng mga opisyal sa mga halalan na ikaw ay isang nakarehistrong botante at hindi ka bumoto sa ibang lugar sa halalang iyon. Ang manggagawa sa botohan ay makakapagbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung paano matitiyak na ang iyong pansamantalang balota ay ibinilang, at, kung hindi ito ibinilang, ang dahilan kung bakit.

Anong uri ng sistema ng pagboto ang gagamitin mo?

Ang bawat opisina sa mga halalan ng county ay pinahihintulutan na pumili ng sariling sistema ng pagboto, kaya ang sistemang gagamitin mo ay depende sa kung saan ka naninirahan. Upang mahanap ang sistema ng pagboto na ginagamit sa inyong county, bisitahin lamang ang Paano Boboto Gamit ang Sistema ng Pagboto ng Inyong County (How to Vote Using Your County's Voting System).


Bagong Botante




Register To Vote Online